SOGIE bill hindi sesertipikahang urgent ni Pangulong Duterte

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi sesertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression Equality Bill o SOGIE bill.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi ang SOGIE bill ang susuportahan ni Pangulong Duterte kundi ang anti-discrimination bill.

Sa interview sa pangulo sinabi nito na sesertipikahan niyang urgent ang SOGIE bill dahil gusto niyang matulad kay dating Senador Juan Ponce Enrile na naging kilala sa pamosong linya na “Gusto ko happy ka”.

“Actually, what he meant was an anti-discrimation bill, not the SOGIE bill. Not that one,” paglilinaw ni Panelo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Read Newsfeed. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *