‘Service Charge Bill’ pirmado na ni Duterte – Bombo Radyo News

Reading Time: 1 minute

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang panukalang batas na naglalayong itaas pa ang kinikita ng mga empleyado ng mga hotel, restaurant at iba pang mga negosyong nangongolekta ng service charge.

Sa ilalim ng Republic Act No.11360, nakasaad na dapat ibahagi ng patas sa lahat ng mga empleyado ang nakokolekta nilang service charge mula sa mga customer.

Maliban nga lang sa mga managerial posts na hindi sakop ng insentibo.

Sakali namang magkaroon ng increase sa minimium wage, iniutos rin ng bagong batas na hindi dapat gawing batayan ng mga employer ang service charge.

Minamandato rin ng batas na magkaroon ng “grievance mechanism” o paraan para maayos ang ano mang reklamo at hindi pagkakaunawaan ng employer at ng employee.

Sakali mang walang ganitong mekanismo, ang regional office ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang siyang hahawak ng mga reklamo.

Nilagdaan Pangulong Duterte ang naturang panukalang batas noong August 7 at inatasan ang DOLE na gumawa ng implementing rules and regulations (IRR) sa loob ng 60 araw matapos ang effectivity ng batas.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *