Sen. Lacson: Pag-aarmas sa mga bumbero dapat pag-aralan muna!

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na makakabuti kung pag-aralan muna ang inanunsiyo ni Pangulong Duterte na gusto niyang armasan ang mga bumbero para makatulong sa pagpapatupad ng mga batas.

Ayon kay Lacson hindi siya sigurado kung naaayon sa batas ang gusto ni Pangulong Duterte.

Paliwanag ng senador, ang mga pulis ang tagapagpatupad ng batas at sila ay may memorandum receipt o MR para sa mga baril na ibinibigay sa kanila.

Aniya maari naman magdala ng kanya-kanyang baril ang mga bumbero kung sila ay may permit to carry firearms outside residence o PTCFOR.

Ngunit, ayon pa kay Lacson, hindi maari na ang hepe ng buong Bureau of Fire Protection ang mag-apply para sa lahat ng bumbero.

Sinabi pa ng senador na kailangan sumailalim sa neuro-psychiatric test, gun safety seminar at iba pang tests ang mga may aplikasyon para makapagbitbit ng baril.

Pagdidiin pa nito hindi kasama sa mandato ng BFP ang magpatupad ng mga batas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Read Newsfeed. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *