PNP,naniniwala na nahaluan ng politika ang isyu ng EJK investigation ng ibang mga bansa – Bombo Radyo News

Reading Time: 1 minute

PNP Chief Albayalde
PNP Chief Albayalde

CAGAYAN DE ORO CITY – Naniniwala ang Philippine National Police na nahahaluan na ng pulitika ang nagaganap na extra judicial killings o EJK investigation na isinusulong ngayon ng ibang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Chief PNP Oscar Albayalde, mariing itinanggi nito ang paratang ng mga taong nasalikod ng nasabing imbestigasyon.

Aniya, kahit ang Commission on Human Rights ay walang napapatunayang kaso o maipapakitang data kung saan tumaas ang kaso ng EJK sa bansa.

Sinabi naman ni Albayalde na isang malaking sampal para sa CHR ang pagkuha ng ilang pulitiko sa bansa ng isang foreign investigation body na siyang susuri sa mga kaso ng extra judicail killing hinggilsa ipinatupad na war on drugs ng Administrasyong Duterte.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *