PDP-Laban gustong paunahing maupo bilang house speaker si Velasco

Magkakaroon ng pulong sa pagitan ng mga miyembro ng Kamara na kasapi ng PDP-Laban at ang kampo ni presumptive House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ang sinabi ni Sen. Aquilino Pimentel III, na nagsisilbi din pangulo ng administration party.

Inamin ni Pimentel na ang unang panukala nila sa term sharing ay si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang unang uupo bilang pinuno ng Kamara.

Dahil nagsalita na si Pangulong Duterte, na siyang chairman ng partido, susunod na rin sila at susuportahan ng grupo si Cayetano.

Ayon kay Pimentel ayaw naman nilang madehado ang kanilang mga miyembro sa Kamara kaya’t magkakaroon ng negosasyon sa kampo ni Cayetano.

Aniya kabilang sa pag-uusapan ay ang pamumuno sa mga komite sa Kamara para sa kanilang mga miyembro maging ang transition kapag papalitan na ni Velasco si Cayetano makalipas ang 15 buwan.

May 85 PDP-Laban members sa Mababang Kapulungan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Read Newsfeed. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *