Pangulong Duterte hindi tutol sa hirit ni Sen. De Lima na mabisita ang mag sakit na ina

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na harangin ang hirit ni Senador Leila De Lima na makalabas ng kulungan sa PNP-Custodial Center para mabisita ang ina na may sakit.

Ayon kay Senador Bong Go, kung papayagan ng korte si De Lima, hindi na tututol si Pangulong Duterte.

Base sa apela ni De Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court, nais nitong makalabas ng kulungan para makapunta sa ospital sa Iriga, Camarines Sur para mabisita ang ina.

Dinala sa pagamutan ang ina ni De Lima dahil sa karamdaman nito.

Maging ang prosekusyon ay hindi na rin tumutol sa nasabing hirit ni De Lima.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Read Newsfeed. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *