Pamilya ni PDEA chief Aquino, apektado na sa natatanggap na death threats – Bombo Radyo News

Reading Time: 1 minute

pdea usec aaron aquino
PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino

Inamin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Dir. Gen. Aaron Aquino na labis nang apektado ang kaniyang pamilya dahil sa natatanggap na death threats.

Nagsimula umano ang mga banta nang magsalita siya hinggil sa drug recycling na kinasasangkutan ng ilang pulis.

Ayon kay Aquino, hindi na normal ang takbo ng buhay ng kaniyang mga anak dahil sa nalikhang takot ng mga banta.

Tumanggi namang sabihin ng PDEA chief kung sino ang kaniyang pinaghihinalaan sa isyung ito.

Maliban sa ninja cops, naging laman din ng mga pagbubunyag ni Aquino ang tungkol sa drug queen na namimili umano ng mga niri-recycle na droga ng mga tiwaling pulis.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *