Pagbuhay ng ‘Anti-Subversion Law’ suportado ng PNP – Bombo Radyo News

Reading Time: 2 minutes

Suportado Philippine National Police (PNP) ang isinusulong ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año NA muling pagbuhay sa panukalang “Anti-Subversion Law” na naglalayong tuldukan ang pamamayagpag ng mga progresibo’t militanteng grupo sa bansa.

Sa ilalim kasi ng nasabing batas, mahigpit na ipagbabawal sa sinuman ang pagsapi o pag-anib sa alinmang progresibong grupo na nagsisilbing front organization ng komunistang Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay PNP chief police Gen. Oscar Albayalde dapat isailalim sa masusing pag-aaral bago tuluyang ipasa ng Kongreso ang panukala.

Batay sa datos ng PNP, kakaunti na lang ang bilang ng mga rebelde ngayon kaya pati mga inosenteng kabataan ay kanilang nire recruit para umanib sa kanilang kilusan.

“Of couse kung sa amin we support the good secretary yung kanyang move kung talagang iaano yan but then again that needs several studies pa yung anti-subversion law kung talagang it will be more productive or become harmful o baka magkaroon na naman ng kagaya nun although ang sa atin is itong mga nangyari na ito these are just very few in our society. Remember kaya ginagawa nito because they are struggling desperately to show their existence and significance sa ating community where in fact ito po ay mangilan ngilan na lang sa ating society,” pahayag ni PNP Chief Albayalde.

Giit ni Albayalde kailangan ang ‘whole of government approach” para matigil na ang ginagawang recruitment ng mga makakaliwang grupo at tuluyan ng mawala ang mga ito sa komunidad.

Inihalimbawa ng PNP chief ang Malaysia na nagawang tuldukan ang problema sa insurgency noong 1995 na nagresulta sa pagganda ng ekonomiya nito.

Para naman kay Año, sakaling maisasabatas ang Anti-Subversive Law ay tiyak na mapapalakas ang Executive Order 70 ni Pangulong Duterte na nagbubuo sa isang National Task Force para matuldukan na ang problema sa communist insurgency.

“We need it in support to EO70 and to finally end the communist insugency.US did not repeal its Communist control act of 1954 thats why its impossible for the subversive organizations to thrive in US,” mensahe na ipinadala ni Sec. Año

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *