P244.9M jackpot ng Ultra Lotto 6/58 napanalunan

Isang maswerteng mananaya ang mag-uuwi ng higit P244.9 milyong jackpot ng Ultra Lotto 6/58 matapos ang draw Biyernes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha ng lucky bettor ang winning combination na 55-16-17-09-52-20.

Ang kabuuang premyo ay P244,927,422.40.

Mababawasan naman ng 20 percent ang iuuwi ng bettor dahil sa tax mula sa TRAIN law.

Para makuha ang premyo, kailangan lamang pumunta ng lucky bettor sa PCSO main office sa Mandaluyong at magpakita ng dalawang valid IDs.

Samantala, 13 mananaya ang nakakuha sa limang winning numbers kaya’t mag-uuwi sila ng P131,960 kada isa.

Wala namang nanalo sa jackpot ng Mega Lotto 6/45 na umabot na sa P68,200,555.20.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Read Newsfeed. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *