Mga magsasaka, may pangamba na ‘di na mabawi ang ekta-ektaryang lupain? – Bombo Radyo News

KORONADAL CITY – Pinangangambahan ng ilang magsasaka sa Rehiyon 12 na hindi na nila matutubos ang kanilang mga isinanlang sakahan matapos magsaraa ang tanggapan ng Kabus Padatuon (KAPA) Community Ministry International Inc.

Napag-alaman na unti-unting nagsisilabasan ang pangamba ng mga investors kabilang na ang mga magsasaka gaya ng isang senior citizen na si alyas Ramil na nagsanla ng kaniyang sakahan sa halagang P120,000, upang i-pay-in sa KAPA matapos maengganyo ng ilang recruiters nito.

Kaugnay nito, karamihan sa mga nagsanla ng mga lupain ay umaasa sana ng pay-out nitong Lunes ngunit sarado na ang KAPA kung saan nagsagawa ng crackdown ang National Bureau of Investigation, Criminal Investigation and Detection Group, at Securities and Exchange Commission laban sa KAPA, alinsunod sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte .

Maliban sa mga lupain, maraming alagang hayop din ng mga magsasaka ang ibinenta para makapag-pay-in sa KAPA.

Napag-alaman na ang crackdown laban sa KAPA ay kasunod ng patuloy na paglabag nito sa Securities Regulation Code kung saan binansagan silang biggest investment scam sa bansa.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *