LOOK: Manny Pacquiao, dumating na sa US para sa laban vs Keith Thurman

Dumating na ang Filipino boxing icon na si Manny Pacquiao sa New York, USA.

Ito ay para sa press tour ng napipintong laban para idepensa ang kaniyang WBA (regular) world welterweight title kontra kay undefeated Keith Thurman.

Ang American boxer naman ang kasalukuyang may hawak ng WBA (Super) championship belt.

Sa Instagram, makikita sa posts ni Pacquiao ang pagbiyahe patungong Amerika.

Mula sa New York, isasagawa ang susunod na press tour sa Los Angeles sa araw ng Martes.

Nakatakdang idaos ng laban ng dalawa sa buwan ng Hulyo.

Matatandaang natalo ni Pacquiao ang huling dalawang nakalaban na sina Adrien Broner at Lucas Matthysse.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Read Newsfeed. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *