LOOK: Duterte, sardinas ang ulam sa Cabinet meeting

Humiling si Pangulong Rodrigo Duterte ng sardinas na kanyang inulam sa gitna ng Cabinet meeting Lunes ng gabi.

Ibinihagi ni Agriculture Sec. Manny Piñol ang mga larawan na kuha ni Executive Secretary Salvado Medialdea kung saan makikita na sardinas ang inuulam ng Pangulo sa pulong.

Ayon kay Piñol, ang inihandang pagkain para sa mga gabinete ay baby back ribs with vegetables pero tinanggihan anya ito ng Pangulo.

“Ayaw ko nyan. Bigyan nyo ako ng sardinas,” pahayag ni Duterte.

Ayon kay Piñol, patunay anya ito na nananatili ang pagiging mapagkumbaba ng Pangulo at hindi nito kinakalimutan ang kanyang abang pinagmulan kahit siya na ang pinakamataas na lider ng bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Read Newsfeed. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *