Ilang kabahayan sinira ng buhawi at ulan sa South Cotabato – Bombo Radyo News

Reading Time: 1 minute

socot howler tornado

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang assessment ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa kabuuang danyos na iniwan ng malakas na hangin at pag-ulan sa ilang bayan sa probinsya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PDRRMO operations and warning chief Rolly Doane Aquino, ilang bahay ang winasak ng buhawi sa bayan ng Banga at Lake Sebu.

Ayon kay Aquino, halos 10 bahay ang apektado sa Brgy Malaya at Bo. 3 sa bayan ng Banga, samantala apektado din ang isang bahay at sinuspinde pa ang klase sa bayan ng Lake Sebu.

Kaugnay nito, wala naman umanong naitalang casualty sa nasabing insidente.

Sa ngayon, nagpaabot na ng tulong ang PDRRMO sa mga apektadong pamilya bahil sa masamang panahon.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *