Duterte walang pakialam kung ilan ang mamatay sa war on drugs

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang babala nito sa mga sindikato ng droga at mga kriminal.

Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Japan, sinabi ng Pangulo na wala siyang pakialam kung ilan ang mamatay sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.

“I don’t give a shit kung ilan kayo diyang namatay. Just don’t fuck with me on drugs. Talagang papatayin [kita],” ani Duterte.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat masira ang bansa at mga kabataan dahil sila ang aasahan sa kinabukasan.

Ang pinakabagong pahayag ng Pangulo ukol sa paglaban sa droga ay sa gitna ng batikos ng ilang sektor sa dami ng mga namamatay sa drug operations ng pulisya.

Dalawang communications ang inihain laban sa Pangulo sa International Criminal Court (ICC) dahil sa bilang ng mga nasawi sa war on drugs.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Read Newsfeed. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *