‘Duterte walang kinalaman sa pag-lamang ng admin candidates sa Halalan’ – political analyst

CEBU CITY – Naniniwala ang isang political analyst na walang kinalaman ang administrasyon sa pag-domina ng mga kaalyado at inidorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-senador nitong halalan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni University of the Philippines Political Science professor Dr. Clarita Carlos na sinasalamin pa rin ng eleksyon ang pagiging malaya ng mga Pilipino na pumili ng mga opisyal bilang demokratikong republika.

Ani Carlos, kailangang tanggapin ng publiko ang resulta ng eleksyon.

Ito’y kasunod ng ilang pag-kwestyon mula sa mga taga-suporta ng oposisyon at kontra administrasyon.

Para sa political analyst, walang karapatan na magreklamo ang mga tamad na Pilipino kung ang mga ito mismo ay walang inaambag para umunlad ang bansa.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *