Duterte bukas na bigyan ng posisyon sa gabinete si Sen. Ejercito

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si outgoing Sen. JV Ejerctio sa isa sa mga posisyon sa kanyang Gabinete.

Sa talumpati sa harap ng Filipino Community sa Japan, sinabi ng pangulo na nanghihinayang siya para sa Senador.

Bigo si Ejercito na muling manalo para sa ikalawang termino sa Senado kung saan nasa ika-13 pwesto ito sa katatapos lang na May 13 midterm elections.

Ayon sa pangulo, bata pa naman si Ejercito at may Gabinete naman na pwede itong paglagyan sakaling may bakanteng pwesto.

“Ito siya nanghinayang ako kay JV. Pero – well anyway, you are still young. May Cabinet naman diyang kung magbakante,” ani Duterte.

Si Ejercito ay sumama sa presidente sa apat na araw na working visit nito sa Japan.

Nauna nang sinabi ng senador na bukas siyang tumanggap sa isang Cabinet post lalo na kung makatutulong ito sa bayan.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Read Newsfeed. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *