Albayalde nagbabala vs police officers na tatanggap ng ‘suhol’ – Bombo Radyo News

Reading Time: 1 minute

Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) chief police Gen. Oscar Albayade ang publiko na hindi kailangang magbigay ng regalo sa mga pulis dahil ginagawa lang nito ang kanilang tungkulin.

Ayon kay Albayalde, hindi nila minamasama ang mga ganitong uri ng regalo kung ito ay “token of appreciation” lang, pero hindi umano talaga kailangan dahil ang pulis ay binabayaran ng pamahalaan para magserbisyo.

Dinepensa naman ng opisyal ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa tila panghihikayat nito sa kanilang hanay na tumanggap ng regalo bilang pasasalamat.

Babala ni PNP chief sa mga pulis, kasong administratibo at kriminal ang haharapin ng mga ito kapag napatunayan na nagso-solicit at tumanggap ng regalo ang mga ito mula sa mga indibidwal.

May exemption naman daw sa batas ang pagbibigay ng token kung maituturing ito na unsolicited gifts na may insignificant values.

Inamin ni Albayalde na nabigyan din siya ng regalo noon pero hindi naman daw kasing garbo gaya ng lumutang na mga paratang kasunod ng statement ng pangulo.

Una ng inamin ni dating PNP chief at ngayon ay Sen. Ronald Dela Rosa na tumanggap siya ng regalo gaya ng branded polo shirt at lechon.

Source link

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *